Sayang
Nagising ako ng 5:04 am, tinamad akong gumising... nakalimutan kong ngayon na nga pala ang alis nila pau. *Nakatulog ako ulit* di na ako nakapasok sa skul hanggang sa nagising ako sa text ng kaklase ko... nagmadali akong bumangon, naligo at nagpaalam sa mama ko na aalis ako.. sumakay ako ng jeep... badtrip sobrang traffic, pagdating ko ng skul... kanina pa raw sila umalis... sayang ibibigay ko pa naman sana yung kapiraso ng buhok ko na ginupit ko kagabi. Nagiiyakan daw sila kanina, ramdam ko pa rin ang lungkot sa klasrum namin... tahimik, at kakaiba ang pakiramdam. siguro mabuti na ring di kami nagkita o baka naman ganun talaga, kagustuhan na rin siguro ni Papa God, nakapagpaalam naman na kami sa isa't-isa. Uuwi na dapat ako... pero tutal intams naman.. may laban ang team namin ng basketball, nanalo pa nga eh. Masaya naman, wala na rin ako boses kasisigaw... ang mga luha at lungkot ng bawat isa ay ikinukubli sa mga tawa, alam ko... ramdam ko ang kakaibang ihip ng hangin sa tuwing natatahimik kami, at mapapansin kong ilan sa mga kaklase ko ay tulala. Alam kong mababasa mo rin to... heheh Ungas ka, ba't di mo ko inantay.. kekog ka talaga... ingatan mo sarili mo dun ha, i lab u!!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home