Thursday, September 14, 2006

"Manika-baw"
kamusta na ng paborito kong manika?
ang manikang naglayas at laging tulala
itim na mata at labing maputla
manikang nakasabit sa pink na locker
ang manikang natusok ng 100 karuyom
at ang asawa nyang si ginger bread man...
ang manikang nakakalat ngayon sa mundo
mundong sya lang ang nakakaalam..
kamusta na ang paborito kong manika?
Manikang sigurado'y si barbie ay nasuklam.
*baw*.hmm...kape tayo!

Friday, July 15, 2005

Maghahasik ng Lagim sa College..

Its weird how time passes so fast... Next thing i know im on my way to College.. the trees and fields that i was once dreamed of..that i found in Diliman..i now find in Intramuros..inside the historical walls, the former fortress of power, revolution and patriotism...bla bla bla... hehe! basta! mAsaya... wish you're right here with me pau... maghahasik tayo ng lagim... like we always did. hehe.. misyu!

Tuesday, June 28, 2005

Lying awake...

Waiting... waiting.. waiting..
still... nothing..
you didn't even remember...
i fell asleep..
feeling so empty...

Sunday, June 05, 2005

Napupuyat...

Para lang matapos ko ang website na para sayo.. sa mga gabing di ka nakakapag gudnyt... pinapagod ko na lang ang sarili ko para makatulog... Sa totoo lang ayokong mabasa mo itong website ko na to... baka kasi masaktan ka lang sa mga masasabi ko dito... Kelangan ko lang ilabas ang nararamdaman ko..

Sunday, March 20, 2005

Sadista...

Bakit ko pa ba tinatanong ang sarili ko...?
Mga pagdududa ko tungkol sayo..
di pa ba sapat ang ating pagmamahalan
upang ang lumbay at lungkot ng nakaraan ay pagtakpan.

heto nanaman ang hanging malamig...
bumabalot sa puso ko't buong pagkatao
selos nga ba? ako'y nahihirapan
pinahihirapan ang aking sarili

Bakit sa aking pagiisa ako'y nagdududa?
Subalit pag kasama kita... tila oras ay sobrang bilis.
Maari bang burahin na lamang ang nakaraan?
Nang sa gayon ako'y di mahirapan...

Kasalanan ko ito... ako'y nagpapakatanga
Pilit na iniisip ang di naman nararapat
nagdududa sa aking "nakikita"
di ko na naisip ang nararamdaman

Pasensya na aking mahal...
siguro oras lamang ang kaylangan,
pati ba naman puso ko'y sasaktan ko pa...
pinagpipilitan ang di nararapat

Pagdududa dahil sa "kanya"...
Pagmamahalan ng nakaraan na.

*baw*

Sunday, February 13, 2005

Love is in the Air...

Love is in the air... it's another Valentines day alone... so what?... what's the difference... it's always another day alone anyway... har har har... how i wish!! hahaha, magkukulong na lang ako sa kwarto!! hmph! Love is in the air...---and it's disgusting!!

Sunday, January 23, 2005

Lecheng Project yan!

Naggising ako kaninang 9am dahil nagalarm yung reminder sa cell ko na gumawa na ako ng Project namin sa T.L.E... para maisubmit ko na sa monday. Pucha... Hairstyles daw. hay nako, eh di may natitira pang 150 pesos sa wallet ko, kaya naman pagkaggising ko ulit ng 2:30, naligo na ko nagbihis kahit naka color pink ako na parang pajama na parang jogging pants, ewan ko kung anong tawag sa suot ko, wala na akong masuot nakatambak nanaman ang labada. Anyway... pagpunta kong Recto pumunta ako sa National Bukstor para maghanap ng kung anong magazine na may tungkol sa buhok.. At ayun! may nakita ako... my golay!! alam lam mo kung magkano? (syempre nde... di mo rin naman hilig un diba?)... it's P 459.50 pesos!! my GOLAY ! hindi makatarungan, 450 pesos tapos ang makikita mo lang puro buhok??!! Ang pulp nga 100 lang eh! Ano bang nangyayari sa mundo ngaun?? Kala mo napakadali ng pera... haay... kaya naman lumabas na ako, baka kasi pabayaran din sakin yung aircon ng national bukstor eh takot ako, kaya punta naman ako ng Isetann Recto (tama ba spelling?) naghanap ako sa Book Sale, buti na lang 120 lang dun! May pamasahe pa ako pabalik... Kaya lang masama pa loob ko na binili ko yun gugupitin ko lang naman din, kaya pampalubag loob sumaglit ako sa Tower Recto hehehe... at bumili ng CD ng Mayonnaise... at akoy umuwi na! yun lang baw...