Sunday, March 20, 2005

Sadista...

Bakit ko pa ba tinatanong ang sarili ko...?
Mga pagdududa ko tungkol sayo..
di pa ba sapat ang ating pagmamahalan
upang ang lumbay at lungkot ng nakaraan ay pagtakpan.

heto nanaman ang hanging malamig...
bumabalot sa puso ko't buong pagkatao
selos nga ba? ako'y nahihirapan
pinahihirapan ang aking sarili

Bakit sa aking pagiisa ako'y nagdududa?
Subalit pag kasama kita... tila oras ay sobrang bilis.
Maari bang burahin na lamang ang nakaraan?
Nang sa gayon ako'y di mahirapan...

Kasalanan ko ito... ako'y nagpapakatanga
Pilit na iniisip ang di naman nararapat
nagdududa sa aking "nakikita"
di ko na naisip ang nararamdaman

Pasensya na aking mahal...
siguro oras lamang ang kaylangan,
pati ba naman puso ko'y sasaktan ko pa...
pinagpipilitan ang di nararapat

Pagdududa dahil sa "kanya"...
Pagmamahalan ng nakaraan na.

*baw*

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home