Lecheng Project yan!
Naggising ako kaninang 9am dahil nagalarm yung reminder sa cell ko na gumawa na ako ng Project namin sa T.L.E... para maisubmit ko na sa monday. Pucha... Hairstyles daw. hay nako, eh di may natitira pang 150 pesos sa wallet ko, kaya naman pagkaggising ko ulit ng 2:30, naligo na ko nagbihis kahit naka color pink ako na parang pajama na parang jogging pants, ewan ko kung anong tawag sa suot ko, wala na akong masuot nakatambak nanaman ang labada. Anyway... pagpunta kong Recto pumunta ako sa National Bukstor para maghanap ng kung anong magazine na may tungkol sa buhok.. At ayun! may nakita ako... my golay!! alam lam mo kung magkano? (syempre nde... di mo rin naman hilig un diba?)... it's P 459.50 pesos!! my GOLAY ! hindi makatarungan, 450 pesos tapos ang makikita mo lang puro buhok??!! Ang pulp nga 100 lang eh! Ano bang nangyayari sa mundo ngaun?? Kala mo napakadali ng pera... haay... kaya naman lumabas na ako, baka kasi pabayaran din sakin yung aircon ng national bukstor eh takot ako, kaya punta naman ako ng Isetann Recto (tama ba spelling?) naghanap ako sa Book Sale, buti na lang 120 lang dun! May pamasahe pa ako pabalik... Kaya lang masama pa loob ko na binili ko yun gugupitin ko lang naman din, kaya pampalubag loob sumaglit ako sa Tower Recto hehehe... at bumili ng CD ng Mayonnaise... at akoy umuwi na! yun lang baw...

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home